Twice this week I said NO! (na naman*)

Last Sunday nagkita-kita kami ng barkada ko noong highschool sa Galeria. Mga limang taon na rin siguro na hindi kami nagkasama ng sabay-sabay. Kwentuhan over pizza and pasta sa Yellowcab. Besides the usual kwentuhan, we talked about putting up a business sa Paniqui or sa Moncada. I'm so glad na naiisip nila magtayo ng business, not like most of the people I know dito sa UP. Matatalino nga pero mahihina naman ang loob.

We left the mall before 10 pm to go somewhere else. I told them that I will not go with them (bar sa Timog) since kailangan ko pa magpahinga para sa work kinabukasan. Of course pinilit nila ako pero I said NO, I will go now. Late na kasi at hindi dahil ayaw ko sila kasama kaya ako umuwi. (They're one of my better friends and I would choose them over the others.) Maybe another reason is that I don't enjoy drinking, ayaw ko ng lasa ng beer. Siguro yun and dahilan kung bakit ang bilis-bilis ko nauubos ang isang bote ng beer. Iniinom ko lang pero hindi ko nilalasahan, ang pait kasi lalo na kapag hindi malamig. Hindi ko nga maintindihan kung bakit gustong gusto ng mga tao mag-inuman. Bakit hindi na lang magkwentuhan ng walang alak?

May gimik yun mga former MS labmates ko kagabi. I said NO to one of them when asked if I would join them. Nagpunta ako sa SM after work para hindi ako mapilit sumama at masabihan ulit ng ****. Ayaw ko sumama dahil hindi ko feel at hindi ako nage-enjoy na kasama sila, puro work at acad stuffs na naman ang usapan. Another reason siguro is hindi ako interested sa nangyayari sa kanila – there wasn't much bond between us, even when we were together at the lab.

After ko bumili ng ilang bagay, nagmeet kami ni Leova since nasa SM din sya. Kwentuhan konti about luvlayf and then nood ng Alexander. Hindi maganda yun pelikula just like the what a review said.

*Since I don't know when, lagi na lang ako humi-hindi. Most of the time wala akong pera o kaya wala sa budget ko. Or sometimes ayaw ko lang talaga sumama.

--

Hindi natuloy yun rock climbing at rappelling namin ng singles at youths sa Montalban last Sunday because of bad weather. Tuloy na this Sunday pero uuwi ako. Gusto ko sumama pero gusto ko rin umuwi, miss ko na family ko. Sasama na lang ako sa akyat sa Mt. Pulag sa yearend (kung kasama si bespren).

Manonood kami ni Leah ng concert ni Regine next Friday sa Araneta. Hayyyy! Pag-ibig nga naman. Manonood ako ng concert para samahan sya kahit ayaw ko kay Regine.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?