Natuloy na rin yun presentation ko for my thesis proposal kaninang 9 am sa LC1. Nandun si Doc R, thesis adviser ko at dalawang panel. May mga tanong pero ok lang. Kanina ko lang nalaman na nandyan na pala yun chip, ibig sabihin i-start ko na dapat ang testing. :((
Hindi ko pa nakukuha yun classcard ko sa ES201. Ano kaya ang grade ko?
Start na ng enrollment ngayon. Dapat makapagbayad ako agad ng tuition para maka-apply ako ng dorm, kailangan kasi ng Form 5. Pwede kaya ang card? Dahil kung hindi, sa Nov 10 pa ako makakapagbayad at malamang wala ng slot that time.
--
May outreach ang singles together with the prison ministry sa Correctional this Nov 15 from 8 am – 5 pm. That will be a new experience for me kaya I'm looking forward to it.
After that, may sariling activity ang singles sa Nov 20, mountain climbing sa Montalaban. I'm excited na, dahil ang tagal tagal ko ng gustong umakyat ng bundok.
Ngayon pa lang ay nakapag-decide na ako na hindi sumama sa outing ng lab this weekend. Wala na kasi sa budget ko yun at may gagawin ako ng Sabado ng umaga.
