Ang hirap ng may sipon at ubo, singhot ng singhot at tahol ng tahol. Sino kaya ang nakahawa sa akin? tsk tsk tsk. Ang sama ng pakiramdam ko kagabi, parang magkakalagnat ako. Hindi naman ako pwede matulog agad dahil may mock presentation ako sa friday after work para sa thesis proposal ko, at kailangan may magawa na dahil may exam pa ako ng thursday ng gabi.
Nakakalungkot sa lab lalo na kung masama ang pakiramdam mo at walang makausap, wala man lang magko-comfort sayo at bibili ng food or ng gamot man lang. Mas lalo ko pa tuloy na-appreciate ang bespren ko, kahit sa text lang alam mo na concern sya. Sabi niya nga, “nandito lang me always 4 you”. Ako lang naman daw ang aloof sa kanya. Hindi naman talaga, konti lang cguro, pero naintindihan ko naman ibig nyang sabihin.
I'll be going to Baguio this saturday for the annual gathering of the church. Eight days yun pero hanggang tuesday ng gabi lang ako dahil kailangan ko pa mag-work. Tuesday afternoon kasi ang singles activity at kailangan ng tulong ko. Kami ni Leah ang in-charge sa games. Kakaiba yun mga games kaya sana matuwa sila.
Kasabay ko mag-lunch yun dalawang SA sa lab nun saturday. As usual, ang daldal ko na naman, ang dami ko na naman nasagot na mga tanong. Pero natuwa ako dahil nag-agree sila nun sinabi ko na magkakaiba pala talaga ang “I think I like you”, “I like you”, “I think I love you” at “I love you”. Nag-react nga sila agad na magkakaiba talaga yun. Pareho lang yun sabi ng officemate ko nun friday pero hindi ako nag-agree. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hindi pa sya cguro na-inlav. Just like the quote na nilalagay ko sa status message ng YM ko, “True love is like ghosts, which everybody talks about and few have seen.” Dati, hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinagsasabi ng mga kaibigan ko na in-lav, pero ngayon alam ko na.
Last last friday, nag-meet kami ng tatlong former labmates ko. Dinner lang ng more than an hour dahil sa maling SM kami(sila) nagpunta. Pero ok lang din kahit sandali lang dahil ako ang pinagkwento nun galing sa Cebu, tsk tsk tsk. Kahit sinabi ko na nakalimutan ko na, pinilit pa rin ng pinilit. Almost one year na pala nun magaway kami nun isang labmate ko. Tinanong na naman nila ako ng madalas itinatanong sa akin.
Q: Galit daw ba ako sa kanya?
A: I'm not angry, it's just that we're not friends anymore.
Q: Nag-sorry daw ba ako sa kanya?
A: Hindi ako nakapag-sorry dahil ayaw nya naman ako makausap before kahit ilan beses ako nag-try.
Hindi ko na rin naiisip na mag-sorry pa ngayon for whatever my fault is since I've become apathetic to that person at hindi na rin ako interesado na makausap pa sya.
Medyo naintriga ako kung sino ang nagpupunta dito sa blog ko galing ng UP. I know na hindi si Gian or Shane yun dahil alam ko kung sila ang nagpunta. Yun last two hits na galing ng UP na hindi galing kay Gian or Shane ay IE6 ang browser at Win2000 ang OS. Sunday ng 10:20am at Monday ng 7:30pm.... I wonder who.
